Proyekto para mapababa ang presyo ng Bigas sa bansa, Inilunsad ng grupo ng Agrikultura
Naglunsad ng proyekto ang grupong Bagong Maunlad na Pilipinas Agriculture Cooperative at Samahang may Malasakit sa Mamamayan, Inc. o SaMa SaMa na tinawag na Bagong Bigas ng Mamamayan Project.
Ayon kay Gary dela Paz, Chairman ng nabanggit na grupo at OIC Spokesperson ng Sama Sama, ang proyekto ay handog ng kanilang grupo sa ika 100 days ni PBBM at nilalayon nito na mapababa ang presyo ng bigas sa bansa.
Nais aniya ng kanilang grupo na matulungan ang gobyerno ukol sa layunin nitong maging mas abot kaya ang presyo ng bigas o milled rice sa halagang 29 pesos kada kilo.
Magugunita na isa sa mga naisin ni PBBM ang pababain ang presyo ng bigas.
Anila, malaking usapin ang pagpapanatili ng tamang presyo ng mga pagkain sa panahon Ngayon lalo na’t patuloy na tumataas ang inflation sa bansa.
Samantala, halos nasa 200 magsasaka at mga tagasuporta ng proyekto ang dumalo sa programa.
Bahagi ng programa ay ang pagbibigay ng bagong milling machine at presentasyon ng nasabing bigas na ang presyo ay P29 per kilo.
Isang boodle fight din ang isinagawa kasama ang mga dumalong magsasaka sa naturang aktibidad.
Dagdag pa ni Dela Paz ang naturang bigas na 29 pesos kada kilo ay malambot, lagkitan, walang amoy, at ibang iba sa NFA rice.
Belle Surara