PRRC, makikipagtulungan sa mga LGU’s sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga ilog
Magsasanib-puwersa ang Pasig River Rehabilitation Commission o PRRC sa Department of Interior and Local Government o DILG para maibsan ang mga basurang napupunta sa mga ilog.
Ayon kay George Dela Rama, PRRC spokesperson, ito ay sa pamamagitan ng kanilang kampanyang “Estero-rista” kung saan pakikilusin ang bawat lokal na pamahalaan sa paglinis at pagsagip ng mga ilog na kalimitan ay polluted ng mga basura.
May mga nakalatag na anya silang programa kasama ang DILG na magpapa-alala sa bawat LGU’s na tungkulin ng bawat mamamayan ang pag-aalaga at pagpananatiling malinis ang kapaligiran.
Napapanahona aniya ito lalu’t sa July 2 na magsisimulang manungkulan ang mga bagong halal na barangay officials.
“Ginawa na namin ito nung nakaraang May, nahinto lang dahil nagkaron ng halalan. Lahat ng mga Barangay lalu na yung nasasakupan ng Pasig river system ay patuloy tayong magpapaalala sa kanila ng kanilang tungkulin sa pag-aalaga ng kanilang environment at ng kanilang kalikasan”.
Samantala, naghahanda na rin ang PRRC sa pagdami ng mga Water hyacinth ngayong panahon ng tag-ulan na nagdudulot ng abala sa mga transportasyon sa Ilog Pasig.
Ito ay sa pamamagitan ng kanilang Task Force Water Hyancinth.
“Naghahanda na rin ang PRRC dun pa lang sa outstream o bukana pa lang ng Laguna Lake na mapigilan ang pagdaloy ng mga water hyacinth pababa ng Pasig River. May mga ise-set up na kaming mga net traps para hindi na makaabala sa transportasyon sa Ilog Pasig”.