PRRC umapila sa publiko na tumulong sa rehabilitasyon ng Pasig River sa pamamagitan ng hindi pagtatapon ng basura
Mas daragdagan pa ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang kanilang pagsisikap na tuluyang malinis ang ilog Pasig.
Ito ang naging pahayag ni PRRC spokesperson George dela Rama matapos magwagi ang komisyon sa 2018 Asia River Prize Award, isang international competition na iginagawad sa mga grupo na nagsisikap buhaying muli ang mga napabayaang ilog at iba pang waterways.
Tinalo ng PRRC ang China sa kanila namang ginagawang restoration sa Yangtze river.
Ayon kay Dela Rama, inspirasyon nila ang natamong parangal para lalung pag-ibayuhin ang paglilinis sa lahat ng mga estero na nakakonekta sa pasig river.
Umapila rin si Dela Rama sa publiko ng suporta at pakikiisa upang mapanatili ang kalinisan sa ilog pasig sa pamamagitan ng hindi pagtatapon ng mga basura.
“Hindi naman natin sila ire-require na mag-semento o gumawa ng mga physical changes, kahit man lang huwan na silang magtapon ng basura ay malaking tulong na iyon at mabuting paraan para sa kapaligiran”.