PRRD at Senador Go, inakusahan ng plunder dahil sa umano’y maanomalyang government infrastructure contracts
Inakusahan ni Senador Antonio Trillanes si Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher Bong Go ng plunder dahil sa umano’y maanomalyang kontrata sa mga government projects na nagkakahalaga ng 6. 6 billion.
Ayon kay Trillanes, batay sa mga dokumento mula sa Commission on Audit at Department of Trade and Industry, nakuha ng CLTG Builders na pagmamay-ari ng ama ni Go na si Desiderio Lim ang mga kontrata para sa mga infrastructure project ng gobyerno sa Davao city.
Aabot sa 125 ang mga mga nakuhang kontrata ni Lim sa Davao city at Davao region mula March 25 hanggang May 2018 na nagkakahalaga ng 4. 89 billion.
Bukod pa aniya rito ang 27 government infrastructure projects noong 2017 na aabot sa 3.2 billion kasama na ang road widening projects.
Ilan umano sa kontratang nakuha ng naturang mga kumpanya ay noong alkalde pa lamang si Duterte sa Davao city at ang unang dalawang taon sa Malacañang ni Pangulong Duterte.
Sabi pa ng dating Senador, malinaw sa Article 7, Section 13 ng Saligang Batas, ang Pangulo, Bise-Presidente, Cabinet officials o mga deputy nito ay bawal at hindi maaaring lumahok sa anumang negosyo sa anumang kontrata ng gobyerno.
Nakasaad rin aniya sa Plunder Law, na bawal i-award sa kamag-anak ng sinumang nakaupo sa gobyerno ang kontrata ng mga government project.
Wala pang sagot ang Pangulo o kampo ni Senador Go hinggil dito.
Meanne Corvera