PRRD, dumalo sa virtual ASEAN-China special summit
Lumahok si Pangulong Rodrigo Duterte sa virtual Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) China Special Summit para sa paggunita ng ika-30 anibersaryo ng Dialogue Relations.
Sa mensahe ng Pangulo kasama ang kanyang mga counterpart sa ASEAN, kinilala ang papel ng China bilang strategic partner sa rehiyon dahil sa agarang pagtulong at pagtugon sa problema sa Pandemya ng COVID-19.
Pinasalamatan ng Pangulo ang China dahil sa pagpapatibay ng Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement na magagamit sa mabilis na pagbagon ng kabuhayan sa ASEAN region mula sa epekto ng COVID-19 Pandemic.
Isinulong din ng Pangulo ang mapayapang pagresolba sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea at ang pagsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) maging ang 2016 Arbitral Award na pumabor sa Pilipinas at ang pagsunod ng China sa napagkasunduang pagtatag ng Code of Conduct in the South China Sea.
Vic Somintac