PRRD hiniling kay President Xi Jinping na maging mabait sa Pilipinas
PRRD hiniling kay President Xi Jinping na maging mabait sa Pilipinas
Hiniling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping na maging mabait sa Pilipinas.
Ayon kay Senador JV Ejercito, isa ito sa mga naging bahagi ng pakikipagpulong ni Duterte kay President Xi.
Ibinahagi umano ni Duterte ang impormasyong ito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang bumisita ang dating lider sa Malacañang noong Miyerkules.
Sinabi ni Ejercito, ibinahagi naman sa kanila ni Marcos ang impormasyon.
Kasunod ng pribadong pulong kay Duterte noong Miyerkules ay sinundan ito ng casual dinner ng Pangulo, kasama si First Lady Lisa Araneta-Marcos sa 21 senador.
Pero sabi ni Ejercito, hindi na naging paksa sa pulong nina Duterte at President Xi ang West Philippine Sea (WPS).
Hindi naman na aniya nabanggit ni Pangulong Marcos kung ano naman ang naging tugon ni President Xi sa paki-usap ni Duterte.
May mga isyu pa aniyang natalakay sa pulong nina Pangulong Marcos at Duterte pero hindi na ito ibinahagi ng Pangulo.
Noong nakaraang buwan ay bumisita si dating Pangulong Duterte sa China para sa inagurasyon ng isang school building na ipinangalan sa kanyang ina at isinabay na rin ang pakikipagpulong kay President Xi.
Meanne Corvera