PRRD, inatasan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na tumulong sa 3 araw na Bayanihan Bakunahan program laban sa Covid-19
Nagbigay na ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na tumulong sa isasagawang tatlong araw na Bayanihan Bakunahan Program na magsisimula sa November 29 hanggang December 1 sa pangunguna ng Department of Health at Department of Interior and Local Government.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na puspusan na ang ginagawang paghahanda ng mga Local Government Unit para sa isasagawang mass vaccination.
Ayon kay Nograles, target sa 3 araw na Bayanihan Bakunahan Program na mabakunahan ang tinatayang 15 milyong indibidwal para mapalawak pa ang anti-COVID-19 vaccination effort ng gobyerno.
Umapila naman ang Malakanyang sa mga hindi pa bakunado na magpabakuna na upang magkaroon ng proteksyon laban sa Pandemya.
Inihayag ni Nograles sa pamamagitan lamang ng pagbabakuna tuluyang magagapi ang Pandemya ng Coronavirus sa bansa.
CabSec Karlo Nograles, Acting Presidential Spokesperson:
“On the Bayanihan Bakunahan program, the President has directed all government agencies and instrumentalities to extend all possible support to the “Bayanihan Bakunahan” program spearheaded by the Department of Health and the Department of Interior and Local Government”.
“The activity, which will run from November 29 to December 1, aims to vaccinate 15 million Filipinos across 16 regions outside Metro Manila. At present, 32.9 million Filipinos and counting are now fully vaccinated against COVID-19. The “Bayanihan Bakunahan” project seeks to significantly add to this figure, as we have all seen evidence of how increased vaccination rates have contributed to the reduction of active COVID-19 cases and the drop in daily new COVID-19 cases.
“We urge our unvaccinated kababayans to participate in the “Bayanihan Bakunahan” project so that they can provide themselves and their families with the protection and peace of mind that vaccines provide its recipients. We also thank all the those who are now working to organize all the personnel and resources that will be mobilized to vaccinate our countrymen, and extend our gratitude to the frontliners who will do their best to contribute to the success of this initiative.Together, we can get the jabs done; together, we can beat COVID”.
Vic Somintac