PRRD, lalahok sa virtual 27th APEC Economic leaders’ meeting ngayong araw
Sasali si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw sa 27th Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Economic Leaders meeting sa pamamagitan ng video conference na pangungunahan ng bansang Malaysia.
Makakasama ng Pangulo ang 21 member-economies ng APEC kung saan pag- uusapan ang agenda na may kinalaman sa health and economic impact ng COVID-19 pandemic ganundin ang isyu tungkol sa mga ikakasang economic recovery strategy sa rehiyon.
Ilalahad ni Pangulong Duterte sa Economic Leaders meeting ang pananaw ng Pilipinas hinggil sa APEC post 2020 at posisyon ng bansa patungkol sa mga hamon na may kinalaman sa multilateral trading system.
Makakatulong ng Pangulo sa APEC virtual meeting sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.
Ang mga bansang kasama sa 21 member-economies of APEC ay ang Australia, Brunei Darussalam, Canada, China, Hong Kong, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, Russia, Singapore, Chinese Taipei, Thailand, America at Vietnam.
Vic Somintac