PRRD: Mga LGU, mananagot kapag hindi natupad ang Heightened Restrictions sa NCR Plus
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Local Government Official na mahigpit na sundin ang mga guidelines na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) upang mapigilan ang paglaganap pa ng COVID-19.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang regular na Pag-uulat sa Bayan kasunod ng paglalagay sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa ilalim General Community Quarantine with Heightened Restrictions.
Sinabi ng Pangulo na papananagutin niya ang mga Local Government Official lalu na ang mga Barangay Official na mabibigong magpatupad ng mga alituntunin na initakda ng IATF sa panahong umiiral ang ibat-ibang Quarantine protocol.
Ayon sa Pangulo, maraming mga pagdiriwang ang isinasagawa sa buwan ng Mayo kaya dapat maging alerto ang mga lokal na opisyal dahil mahigpit pa ring ipinagbabawal ang Mass gathering.
Nakiusap ang Pangulo sa publiko na kailangan masunod ang mga health protocol gaya ng pasusuot ng face mask, palagiang paghuhugas ng kamay at social distancing at kung hindi importante ay huwag munang lumabas ng bahay dahil kasalukuyan pa ring lumalaganap ang COVID 19 virus.
“I will not allow the violations of the guidelines given by the Task Force. And I will hold the local governments down to the last barangay level and, therefore, it could only be the barangay captains, I will hold you responsible for any violation sa mga itong mga batas na hindi natutupad. Batas ito. This is not just — it is really a law. So you have to enforce it because if you want this country to recover from the onslaught of COVID-19, you have to be mindful of the what is going on and how to prevent it. Just the same, hindi masyado: mask, hugas, iwas. Kung wala ka naman talagang lakad ngayon sa labas huwag ka ng… You go out, you just go hunting for those virus to enter your body and pass it on, and that is a problem. So nakikiusap ako and I said there are a lot of fiestas, which you would like to hold. The problem is there is also the consequence, which you must be” – PRRD
Vic Somintac