PRRD, ipinag-utos na pigilan ang pagtaas ng presyo ng karne sa bansa
Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na magbibigay ng regulasyon sa presyo ng mga ilang Agricultural product.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sa pamamagitan ng Executive Order (EO 123) ay pinanatili ni Pangulong Duterte ang 5% Import duty ng karne ng manok alinsunod sa orihinal na Executive Order 82 na nagpaso na noong December 31, 2020.
Ayon kay Roque, layunin ng EO 123 na pigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng karne ng manok lalo na ngayong panahon ng Pandemya ng COVID 19.
Inihayag ni Roque na obligasyon ng gobyerno na protektahan ang interes ng publiko sa pamamagitan ng rekomendasyon ng National Economic Development Authority (NEDA) batay sa probisyon ng Republic Act 10863 o kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act.
Niliwanag ni Roque sa pamamagitan ng EO 123 hindi kailangang magtaas sa presyo ng imported na manok sa merkado.
Vic Somintac