PRRD nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga sundalong namatay sa pagbagsak ng C130 plane sa Sulu
Ipinarating ng Malakanyang ang pakikiramay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga sundalong namatay dahil sa pagbagsak ng C-130 cargo aircraft ng Philippine Air Force sa Barangay Bangkal, Patikul, Sulu.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ikinalulungkot ng Pangulo at ng sambayanan ang malagim na sinapit ng mga sundalong lulan ng bumagsak na eroplano.
Ayon kay Roque hinihintay ng Pangulo ang opisyal na report ng Armed Forces of the Philippines kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa pagbagsak ng aircraft na ikinamatay ng 50 katao at ikinasugat ng 53 iba pa.
Inihayag ni Roque na kinakailangan talaga na isulong ang modernisasyon ng AFP para makabili ng mga modernong kagamitan lalo na sa mga ginagamit sa logistics at transport operations sa mga tropa ng pamaalaan.
Vic Somintac