PRRD nagpasalamat kay Japanese PM Suga sa ibinigay na ayuda sa bansa
Sa pamamagitan ng telephone conversation, nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte kay Japanese Prime Minister Yoshihide Suga dahil sa ayudang ipinagkaloob sa bansa para pagtugon sa Pandemya.
Kabilang sa assistance ang 20 Billion Yen approval mula sa 50 Billion Yen Post-Disaster Standby Loan at 1 Billion yen para sa karagdagang Cold Chain Development Assistance.
Nagpasalamat din ang Pangulo sa suporta ng Japan sa transition process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nangako si PM Suga na patuloy na susuportahan ng Japan ang Pilipinas sa paglaban sa Pandemya ng COVID 19.
Humingi rin ng paumanhin ang Punong Ministro dahil hindi natuloy ang pagbisita niya sa Pilipinas dahil sa Pandemya.
Tumagal ng 20 minuto ang pag-uusap ng dalawang opisyal.
Vic Somintac