PRRD nagtalaga ng mga bagong justices sa Court of Appeals at Court of Tax Appeals, at mga bagong hukom sa NCR courts
Natanggap na ng Korte Suprema ang mga appointment papers mula sa Malacañang ng mga bagong mahistrado ng Court of Appeals at Court of Tax Appeals, at mga bagong hukom sa ilang korte sa Metro Manila.
Sa Court of Appeals, hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals Associate Justice Alfonso Carbonel Ruiz II kapalit ni dating CA Justice Mario Lopez na mahistrado na ng Korte Suprema.
Itinalaga naman ng pangulo sa Court of Tax Appeals si Associate Justice Marian Ivy Ferrer Reyes- Fajardo.
Umaabot naman sa 18 bagong hukom ang in-appoint ng presidente sa iba’t ibang regional trial courts sa NCR.
Ang mga bagong judge ay itinalaga sa ilang branches ng RTCs sa Quezon City, Pasig City, Muntinlupa City, Makati City, Maynila, Las Piñas City, at Caloocan City.
Moira Encina