PRRD nais akyatin sa bahay ang mga ayaw magpabakuna laban sa Covid-19
Gusto nang akyatin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang bahay ang mga ayaw pa ring magpabakuna kontra COVID-19.
Sa kanyang weekly regular Talk to the People, sinabi ng Pangulo na malaking problema sa anti- COVID-19 vaccination program ng pamahalaan ang mga ayaw pa ring magpabakuna.
Inihayag ng Pangulo dapat hanapin ng mga taga-Barangay ang mga ayaw magpabakuna at kapag tulog na ang mga ito ay aakyatin para bakunahan.
Ayon sa Pangulo, nauuwi lamang sa tatlong kaparaanan ang mabisang paglaban sa Pandemya ng COVID-19 at ito ay ang pagbabakuna, pagsusuot ng facemask at physical distancing.
Niliwanag ng Pangulo basta sundin lamang ang kampanya ng pamahalaan sa anti COVID 19 vaccination at minimum standard health protocol madaling matatapos ang problema sa pandemya ng corona virus sa bansa at makakabalik na sa normal ang buhay at pamumuhay.
Vic Somintac