PRRD, nangako sa publiko na hindi magpapabaya ang gobyerno sa lumalalang kaso ng Covid-19
Aminado si Pangulong Rodrgio Duterte na tatagal pa ang pakikipaglaban ng pamahalaan sa lumalalang kaso ng Covid- 19 sa bansa at marami pa ang mamamatay.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang pinakahuling Talk to the People sa Malakanyang.
Ayon sa Pangulo tulad sa Brazil, ang Pilipinas din ay problemado sa paglala ng kaso ng COVID 19 dahil sa pagsulpot ng mga bagong variant at kakulangan sa supply ng bakuna.
Inihayag ng Pangulo na hindi dapat na mag-alala ang publiko dahil hindi nagpapabaya ang pamahalaan sa pagsasagawa ng mga kaukulang hakbang para mapigilan ang ibayong pagkalat pa ng COVID 19.
Kaugnay nito bagamat nagkakandarapa ang Pilipinas kung saan kukukuha ng supply ng bakuna hindi matiyak ng Pangulo kung ang mga naisarang negosasyon sa mga vaccine manufacturers ay darating sa Pilipinas sa itinakdang panahon ngayong taon ang supply.
Vic Somintac