PRRD, pikon na kay VP Robredo sa isyu ng anti-Covid vaccine
Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na pikon na pikon na siya kay Vice President Leni Robredo sa isyu ng anti COVID 19 vaccine.
Sa kanyang regular weekly talk to the nation hindi naiwasan ng Pangulo na muling birahin ni Vice President Robredo.
Sinabi ng Pangulo na hindi na tumitigil si Robredo sa kapupuna sa gobyerno hinggil sa gingawang mga hakbang para makakuha ng anti COVID 19 vaccine.
Ayon sa Pangulo, patuloy din na nanghihinala si Robredo na nabakunahan na siya kasama ng mga sundalo na miyembro ng Presidential Security Group o PSG na binakunahan ng Sinopharm noon pang nakaraang taon.
Inihayag ng Pangulo na hindi pa siya nababakunahan ng anti COID 19 vaccine dahil kinakailangan pa ang clerance mula sa kanyang mga doctor dahil sa kanyang edad.
Hinamon ng Pangulo si Robredo na magtungo sa Malakanyang at panoorin ang pagbabakuna sa kanya kapag dumating na ang bakunang ituturok sa Chief Executive.
Binigyang -diin ng Pangulo na kahit anong gawin ng pamahalaan na makakuha ng bakuna ay malabong mangyari dahil sa kakulangan ng suplay.
Vic Somintac