PRRD, pinakalma ang publiko sa gitna ng paglobo ng kaso ng Covid-19
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi iiwan ng Gobyerno ang taumbayan sa gitna ng pananalasa pa rin ng Pandemya ng COVID-19 sa bansa makalipas ang isang taon.
Sa kanyang regular weekly Talk to the Nation, sinabi ng Pangulo na naiintindihan ng pamahalaan ang nararamdaman ng bawat mamamayan mayaman o mahirap.
Ayon sa Pangulo, hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil ginagawa ng Gobyerno ang lahat ng paraan para makarating sa bansa sa pinakamabilis na paraan ang mga bibilhing bakuna laban sa COVID 19.
Inihayag ng Pangulo mas maraming mabibigat na pagsubok sa buhay na dinaanan ng sambayanan kumpara sa COVID 19.
Naniniwala ang Pangulo na malalagpasan din ng bawat Pilipino ang COVID 19 basta sama-sama at tulong-tulong na makiisa sa pamahalaan at mahigpit na sundin ang mga ipinatutupad na standard health protocol.
Vic Somintac