PRRD: Tiwala ng WHO sa Pilipinas sa paggamit ng anti-Covid vaccine ng Covax facility, di dapat masira
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) na mahigpit na bantayan ang paggamit ng anti-COVD 19 vaccine na AstraZeneca na galing sa COVAX Facility ng World Health Organization (WHO).
Sinabi ng Pangulo, ayaw niyang masira ang tiwala ng COVAX facility ng WHO dahil maaapektuhan ang Vaccination rollout ng Pilipinas.
Ayon sa Pangulo, pinaiimbestigahan na niya sa DOH at Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapabakuna ng siyam na Mayor at isang artista na hindi naman kabilang sa first priority list.
Inihayag ng Pangulo, mahigpit ang patakaran ng COVAX Facility ng WHO na dapat sundin ang nasa order of priority list dahil kapag ito ay nilabag ng isang bansa hindi na magpapadala ng anti COVID 19 vaccine supply.
Niliwanag ng Pangulo na ang galing sa COVAX Facility ng WHO na AstraZeneca at ang Sinovac na donasyon ng China ang tanging bakuna na hawak ng Pilipinas na ginagamit sa mga medical frontliners.
Vic Somintac