PSA: Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, pumalo na sa 4.2 million
Lalo pang tumaas ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho ngayong kasagsagan ng Pandemya.
Sa report ng Philippine Statistic Authority (PSA), pumalo na sa 4. 2 milyong mga Filipino ang jobless hanggang nitong Pebrero ngayong taon.
Ang mataas na bilang ng walang trabaho ay naitala kahit pa niluwagan ng Gobyerno ang Quarantine restrictions.
Ayon kay National Statistician Usec. Dennis Mapa, ang unemployment ay tumaas ng 17. 6 percent sa datos noong April ng 2020 nang magsimula ng magpatupad ng lockdown ang gobyerno dahil sa nararasanang Covid-19 Pandemic.
Sinabi ni Mapa na kada buwan na ang ginagawa nilang Labor Force survey para tulungan ang gobyerno na makabuo ng mas malinaw na solusyon sa epekto ng Pandemya sa lahat ng sektor.
Meanne Corvera