PSAAI, nakiisa na rin sa panghihikayat sa publiko na magpabakuna kontra COVID-19
Hinikayat ng Philippine Society of Allergy, Asthma, and Immunology ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay PSAAI President Dr. Rommel Lobo, ligtas at epektibo ang mga bakuna na ito.
PSAAI President Dr. Rommel Lobo statement:
“In general, vaccines are safe and effective. Vaccination saves lives. For the Filipinos, we will only give vaccines that are proven to be safe and effective. Wala rin aniyang dapat ikatakot ang publiko dahil karamihan sa COVID-19 vaccines ay mild lamang ang adverse effects. Majority of COVID-19 vaccine adverse reactions are mild. Reactogenic reactions include pain, tenderness, and swelling and can be managed with supportive care. Mild allergic reactions such as rashes can be managed with antihistamines“.
Sinuri aniya ng PSAAI ang lahat ng mga impormasyon kaugnay sa bakuna upang makita na ligtas ang bakuna kahit pa sa mga taong may allergy sa pagkain o gamot.
Pero mahalaga aniya na pagkatapos mabakunan ang isang indibidwal, dapat itong obserbahan muna sa loob ng 30 minuto hanggang isang oras para makita kung magkakaroon ito ng adverse effect.
Sa ngayon ang posibilidad ng Anaphylaxis o severe allergic reaction pa lamang aniya ang contraindication na kanilang nakita sa ilang COVID-19 vaccines pero ito naman ay rare o bihira lamang umanong mangyari.
Kaya naman mahalaga aniya na ang mga Healthcare practitioners na magtuturok ng COVID-19 vaccines ay trained.
Paalala naman ni Lobo, ang mga vaccination centers ay dapat na kumpleto ng mga gamot sakaling may nabakunahan ang magkaroon ng allergic reactions.
Pero kahit naman mabakunahan na kontra COVID-19, patuloy ang paalala ng Department of Health sa publiko na huwag magpakasiguro at sumunod parin sa minimum health standards.
Sa ngayon ay wala pa kasing kasiguruhan na ang mga nabakunahan ay hindi na mahahawa ng COVID-19.
Ang tiyak pa lamang aniya na maibibigay ng bakuna ay ang masiguro na ang taong naturukan nito ay hindi magkakaroon ng COVID-19 o maospital dahil dito.
Madz Moratillo