Public engagement ni PRRD, tuloy pa rin sa gitna ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa – Malakanyang
Tuloy parin ang public engagement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng muling paglobo ng kaso ng COVID -19 sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na nais balikan ng Pangulo ang mga lugar na pininsala ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao upang personal na makita ang developments ng isinasagawang rehabilitasyon.
Ayon kay Nograles mayroon namang mahigpit na protocol na ipinatutupad ang Presidential Security Group o PSG upang masigurong ligtas ang Pangulo sa banta ng pandemya ng COVID-19.
Inihayag ni Nograles prioridad ang kaligtasan at kalusugan ng Pangulo kaya hindi basta malalapitan ng sinuman ang Chief Executive sa mga lugar kanyang pinuntahan.
Vic Somintac