Public Engagement ni PRRD, lilimitahan dahil sa pagdami ng kaso ng Covid-19
Binawasan ng Presidential Security Group (PSG) ang Public engagement ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID 19 partikular sa Metro Manila.
Sinabi ni PSG Chief Brigadier General Jesus Durante III na hangga’t maaari ay wala munang public engagement ang Pangulo para maprotektahan sa banta ng pagkahawa sa COVID 19.
Ayon kay Durante maayos ang kalusugan ng Pangulo at nasa Bahay Pagbabago at ginagampanan ang kaniyang trabaho lalo na ang mga may kinalaman sa paper works.
Pinabulaanan ni Durante ang lumabas na report na nagkaroon ng mild stroke ang Pangulo kaya kinansela ang kanyang regular weekly Talk to the People.
Inihayag ni Durante pangunahing tungkulin ng PSG na protektahan ang kaligtasan at kalusugan ng Pangulo kasama na ang banta ng COVID 19.
Inamin ni Durante na umabot sa 126 na mga PSG personnel ang nagpositibo sa COVID 19 subalit ngayon ay nasa 45 na lamang ang positibo sa virus at kasalukuyang nasa isolation area at nagpapagaling.
Tiniyak ni Durante na walang contact si Pangulong Duterte sa mga PSG personnel na nagpositibo sa COVID 19 dahil hindi sila kabilang sa close in security ng Chief Executive.
Iginiit ni Durante na mahigpit na ipinatutupad ang standard health protocol tuwing may public engagement ang Pangulo sa Palasyo ng Malakanyang dahil lahat ng bisita ay sumailalim sa RT PCR swab test na ang resulta ay negative sa loob ng 48 oras mula ng ilabas ang resulta.
Statement Brig. Gen. Jesus Durante III, PSG Commander:
“As the number of COVID-19 cases continue to rise in our country, the Presidential Security Group is not spared from the virus as our personnel continue to perform our mandate during presidential engagements and routine security operations. We protect our VIPs; guard the PSG compound, the residence and the whole Malacañang Complex 24/7, where civilian residents are also situated, thus, exposure to the virus is inevitable.At the least, our PSG personnel who got infected are not directly or closely detailed with the President and are all asymptomatic without experiencing any adverse symptom. Hence, rest assured that the President is safe and in good health. Likewise, PSG through its Task Force COVID-19 and our medical staff continue to efficiently and effectively manage our situation ensuring that those who are tested positive complete their quarantine protocols and are properly processed. Likewise, all health and safety protocols are strictly enforced and implemented to all PSG personnel and their dependents. Despite the challenges posed by the virus, PSG continues to perform its mandate. As earlier mentioned, we have established protocols to contain the spread of the virus and we will continue to enforce it so that the President is kept safe and secured from all forms of threats at all times”.
Vic Somintac