Public Health expert, patuloy ang payo sa publiko na bantayan ang mga binabahang lugar upang maiwasan ang mga sakit sa tag-ulan lalo na ang Leptospirosis
Hindi naiiwasan ng maraming mga kababayan natin ang lumusong sa baha.
Kaya naman, patuloy din na pinapayuhan ng Public health expert ang publiko na hangga’t maaari ay iwasan ang lumusong sa tubig baha upang maiwasan din na madapuan ng Leptospirosis.
Sinabi ni Dr. Willy Ong, isang public health expert na kailangang maging maingat ang publiko dahil ang leptospirosis ay nakamamatay.
“Ang number one na babantayan ay ang mga lugar na may baha, kasi kung may baha, ang delikadong sakit ay yung leptospirosis, —na maraming namamatay. Ito po uung paglusong sa baha, minsan madumi saka ang magkakaroon ng leptospirosis , malamang itong susunod na dalawa – tatlong araw- kasi padumi nang padumi ung tubig kasi ung infection – mga one to two weeks bago magkakaroon ng sintomas sa katawan- dun lalabas ang sintomas, para lang siya trangkaso, lagnat pero sumasakit din ung mga muscles, at pag lumala pwede umabot sa kidney failure”.
Ulat ni Belle Surara