Publiko, binalaan laban sa tawag mula sa mobile numbers na nagpapanggap na BSP
Pinag-iingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa tawag mula sa cellphone numbers na gumagamit ng automated voice prompts o recorded messages mula sa nagpapanggap na BSP trunkline.
Nilinaw ng BSP na wala itong official mobile phone number.
Ang opisyal na contact details ng central bank tulad ng trunkline nito na (+632) 8811-1277 ay makikita sa website nito sa https://www.bsp.gov.ph/.
Kaugnay nito, pinayuhan ng BSP ang publiko na huwag magbibigay ng anumang personal o pinansiyal na impormasyon sa mga unverified o suspicious sources.
Hinihimok din ng BSP na iulat sa kanila ang mga kahina-hinalang tao na ginagamit ang pangalan ng central bank sa iligal na gawain.
Una rito ay may mga ulat mula sa mga consumers na nagsasabing nakatanggap sila ng tawag mula sa various mobile numbers na may recorded message na tulad sa voice prompt ng BSP trunkline.
Moira Encina