Publiko, binalaan sa mga binibiling imported cosmetic products
Patuloy ang monitoring na ginagawa ng Ecowaste Coalition sa mga pumapasok at mga nagbebenta ng mga cosmetic na nagtataglay ng iba’t-ibang uri ng kemikal.
Tinukoy ni Tony Dizon, Ecowaste Coalition Safety Campaigner na karamihan sa mahigit 50 lipstick na imported at hindi gawa sa Pilipinas ang natuklasan nilang nagtataglay ng Led content.
Ito aniya ang isa sa mahigpit na ibinabala ng Food and Drugs Administration o FDA na dapat iwasan ng publiko dahil nakapipinsala ito sa kalusugan.
Bukod dito, kabilang din sa kanilang minomonitor ang mga face powder, whitening cream at iba pang cosmetics na ginagamit ng mga kababaihan.
“Napaka-delikado nito dahil itong cosmetics gaya ng lipstick ay napapabilang sa kailangang bantayan dahil yung exposure nito ay masyadong mabilis dahil nilalagay ito sa labi. Kaya yung entry point ng exposure nito ay talaga delikado. Hindi lang isang beses ito ginagamit lalu na ng mga kababaihan, may pagkakaton na dalawa hanggang tatlo o mas maraming beses ito ginagamit”.