Publiko hindi dapat magpakakampante sakaling maging optional na ang pagsusuot ng face mask ayon kay Senador Bong Go
Nagpapaalala si Senador Christopher Bong Go sa publiko na hindi dapat maging kampante na wala nang epekto ang COVID-19.
Kasunod ito ng rekomendasyon ng Inter Agency Task Force ( IATF ) na gagawin nang optional o voluntary ang pagsusuot ng facemasks sa mga open area.
Ayon kay Go , Chairman ng Senate Committee on Health,mandatory man o optional, dapat magsuot pa rin ng facemasks.
Bagamat ang rekomendasyon aniya ng IATF ay batay sa mga pag aaral, mabuti pa rin ang maging maingat.
Muli namang nagpaalala ang Senador na bakuna ang solusyon para tuluyang bumalik sa normal ang buhay ng mga Pilipino.
Hinimok niya rin ang publiko na magpa booster shot para makaiwas sa malalang sakit.
Meanne Corvera