Publiko hindi dapat magpanik sa pagkakaroon ng bird flu outbreak
Hindi dapat mag-panic ang mamamayan sa pagkakaroon ng avian flu outbreak sa Pampanga.
Ayon kay Dr. Arlene Vytiaco, pinuno ng animal disease control section ng Bureau of Animal Industry, naging mahigpit ang ginawa nilang pag-quarantine sa lugar.
Pinayapa rin nito ang marami nga natatakot kumain ng karne ng manok.
Sinabi ni Vytiaco na pawang mga laying chicken lamang ang naapektuhan ng bird flu at hindi ang mga broiler na kadalasang ibinebenta sa mga palengke at fastfood chain.
Please follow and like us: