COVID 19 , mas nakakahawa at deadly kaysa Monkeypox

1209160062

Hindi dapat matakot ang publiko sa Monkeypox.

Giit ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvaña, mas nakakahawa at deadly parin ang COVID- 19 kaysa rito.

Kumpara sa COVID- 19, ang Monkeypox ay hindi narin aniya bago kaya may sapat na silang kaalaman sa virus na ito at kung paano ito mapipigilan.

Sa ngayon, mabisa parin aniya ang smallpox vaccine pangontra sa monkeypox.

Bagamat walang available na gamot sa Monkeypox dito sa bansa at madali lang naman daw makakuha nito.

Dagdag pa ni Salvaña, hindi kagaya ng COVID- 19 virus na maraming mutation, hindi nagbabago ang sa monkeypox kaya hindi ito mahirap gamutin.

Gaya ng sa COVID pinakamabisa parin aniyang proteksyon sa monkeypox ang pagsusuot ng face mask at madalas na paghuhugas ng kamay.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: