Publiko hinikayat ni Manila Mayor Isko Moreno na ipagpaliban muna ang pagpunta sa Manila Bay
Umpila si Manila Mayor Isko Moreno sa publiko na huwag na munang magtungo sa Manila Bay ngayon.
Ang panawagan ay ginawa ng alkalde matapos dumagsa ang marami nating kababayan sa Manila Bay nitong weekend para makita ng personal ang kontrobersyal na puting buhangin ng Manila Bay.
Sa mga kumalat na larawan sa social media ay makikitang siksikan ang mga tao at hindi nasunod ang social distancing.
Giit ng alkalde bagamat maraming natutuwa dahil sa ganda ng Manila Bay ngayon ay hindi pa tapos ang banta ng covid 19.
Una rito sinibak ang station commander ng Manila Police District 5.
Pinakiusapan narin aniya ng alkalde ang Department of Environment and Natural Resources o DENR na bakuran muna ang lugar lalo’t may mga ginagawa pang konstruksyon roon.
Paalala ng alkalde sa publiko marami pa namang pagkakataon para makapunta at makita ang bagong Manila Bay.
Madz Moratillo