Publiko hinikayat ni PBBM na labanan ang ‘fake news’
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino na laging ipaglaban ang katotohanan upang makaiwas mabiktima ng disinformation at misinformation o ‘fake news.’
Ginawa ng Pangulo ang panawagan matapos lagdaan ang isang memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno at paglulunsad ng Presidential Communications Office (PCO) ng Media and Information Literacy (MIL) project nito.
Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang katotohanan ang karaniwang biktima ng misinformation at disinformation o ‘fake news’ na nakaka-apekto sa kakayahan ng netizen para timbangin sa sarili nila ang factual at speculative information.
“Fight for the Truth” ang mensaheng isinulat ni Pangulong Marcos sa commitment wall, na nilagdaan din ng mga partner agencies bago ang MOU signing na nilahukan ng PCO, Department of Education, Commission on Higher Education (CHED), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“And this is all that we are talking about and this is as much as we are talking about. What we are fighting for is the truth because what is – the very first casualty of all of these — sometimes sinister, sometimes just mistaken, misguided activities — the first victim, the first casualty is the truth,” paliwanag ng Pangulo.
Bagama’t kinikilala ang mabuti at masamang impormasyon online, sinabi ng Pangulo na titiyakin ng gobyerno na magkakaroon ng kaalaman ang publiko para matukoy ang katotohanan sa espekulasyon, propaganda at tahasang kasinungalingan.
Dagdag pa ng Pangulo ang mga kabataan ang pinakamahinang sector kung ‘fake news’ ang pag-uusapan kaya’t kailangang gabayan ang mga kabataan dahil sila rin ang pinaka-aktibo sa social media.
“We also direct our attention to young people because they are the most involved. They are the ones who consider being online, working on the Internet as part of their life. It’s like breathing to young people,” dagdag pa ng Pangulo.
“But we must give them the tools to be able to look and see what are these things that we are reading. Totoo ba ito? Should we really be doing something about it? Should I worry or should I just not worry whenever – because this is what people are telling me?” pahayag pa ng Chief Executive.
Weng dela Fuente