Publiko hinimok na tumulong sa gobyerno para tuluyang mapababa ang kaso ng COVID- 19
Naniniwala si Senator Christopher Bong Go na masasayang lang ang ginagawang paglaban ng gobyerno at ibat-ibang sektor sa COVID- 19.
Itoy kung magsasawa na ang publiko sa pagtulong at pagbibigay kooperasyon sa gobyerno.
Sinabi ni Go na naiintindihan niya ang hirap na pinagdadaanan ng publiko lalo na ang mga nawalan ng trabaho at kabuhayan dahil mahigit isang taon na mula nang maranasan ang pandemya pero lalo lang aniyang lalala ang sitwasyon kung titigil na rin ang taumbayan.
Kailangan aniya ngayon ang bayanihan at disiplina para tuluyang labanan ang pandemya.
Mahalaga aniya ang simpleng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng facemasks at faceshield at pag iwas sa paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.
Nababahala ang Senador na Chairman ng Senate Committee on Health dahil unti – unti na namang tumataas ang bilang ng mga naoospital dahil naging kampante na ang mamamayan.
Meanne Corvera