Publiko, inalerto ng malakanyang sa napipintong pananalasa ng Bagyong Rolly
Nanawagan ang Malakanyang sa mga lugar na inaasahang dadaanan ng Bagyong Rolly na ngayon pa lamang ay maghanda na sa kalamidad.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na handa ang national government sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC na tulungan ang lahat ng posibleng masalanta ng bagyong Rolly.
Ayon kay Roque maging ang Department of Social Welfare and Development o DSWD ay nakaposisyon narin para sa relief operations matapos ang pananalasa ng mga bagyong Ofel, Pepito at Quinta.
Batay sa record ng PAG-ASA mararamdaman ang bangis ng bagyong Rolly sa Linggo ng hapon hanggang sa araw ng Lunes sa area ng Aurora, Quezon, Central Luzon at Northern Luzon.
Vic Somintac