Publiko maaari nang magpadala ng reklamo ng katiwalian sa gobyerno sa operations center sa DOJ
Pwede nang simulan ng publiko ang pagpapadala ng mga reklamo ng kurapsyon sa pamahalaan sa operations center ng Task Force Against Corruption sa DOJ.
Ayon kay Justice Undersecretary at Spokesperson Emmeline Aglipay- Villar, maaaring i-email ang mga reklamo sa [email protected] o tumawag sa 85212930 na email address at hotline ng DOJ Action Center.
Hindi pa anya ito ang pinal na official number at contact details ng operations center dahil sa kanila pa itong isinasaayos.
Sinabi ng opisyal na ang matatanggap nila na impormasyon o report ay dadaan sa evaluation ng komite na magrerekomenda ng karampatang aksyon.
Kung kumpleto na anya ang impormasyon at sapat para sa pagsasampa ng reklamo ay pwede na itong i-refer sa piskal kung ang opisyal na sangkot ay below Salary Grade 27 at sa Office of the Ombudsman kung ang opisyal ay Salary Grade 27 pataas.
Si Justice Secretary Menardo Guevarra ang magsisilbing chairperson ng operations center.
Moira Encina