Publiko, pinag-iingat ng DOH sa Influenza

Lalo pang pina-iigting ng DOH ang kampanya laban sa mga tinatawag na W-I-L-D diseases na ang kahulugan ay mga sakit na tulad ng Water borne diseases, Influenza, Leptospirosis at Dengue.

Sa mga nabanggit, sinabi ni DOH Asec. Eric Tayag na mahigpit ang kanilang pagmomonitor ngayon laban sa Influenza dahil sa ngayon ay tumataas ang kaso ng trangkaso, ubo, sipon  dahil may Influenza epidemic ngayon sa kalapit nating bansa.

Yung i-influenza, uso ngayon ang trangkaso, ubo sipon, minomonitor namin sapagkat may  influenza epidemic sa hongkong yung HCM2 at sa India ung H1N1, meron tayo nun dito, ibig sabihin maari tayong magkaroon ng outbreak”.  – Asec. Tayag

At dahil panay na naman ang pag ulan, pinayuhan din ni Tayag ang publiko na  huwag ipagwalang bahala kapag nakararamdam ng paglagnat dahil maraming ibig sabihin ang lagnat kung kaya kumunsulta agad sa manggagamot.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *