Publiko , pinag-iingat ng DOH sa mga Public pool
Nagbabala ang Department of Health na mag-ingat sa paglublob sa mga Public swimming pool.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, maraming sakit kasi ang maaring makuha lalo na kung hindi madalas napapalitan ang tubig.
Kabilang na dito ang E coli at Salmonela mula sa dumi o ihi ng tao at iba pang bacteria na naiipon sa tubig ng swimming pool.
Maaring magkaroon ng Diarrhea o ibang pang sakit sa balat lalo na kapag nakainom ng tubig mula sa swimming pool.
Sinabi pa ni Herbosa maaring pumasok ang bacteria sa ilong at bibig kapag lumulubog sa swimming pool kaya mas prone sa mga sakit.
Kaya sabi ni Herbosa importanteng maging mapanuri sa kulay ng tubig ng swimming pool.
Ang kulay berde at malabong tubig ay ilan lamang sa palatandaan na marumi na ang tubig sa pool.
Madalas rin na nawawalan ng bisa ang Chlorine kapag puno na ito ng tao at maraming naliligo.
Kaya payo ng kalihim kung hindi talaga maiiwasan na maligo sa pool dahil sa matinding init laging magbanlaw bago at pagkatapos lumusong sa swimming pool.
Binaalan rin ni Herbosa ang publiko sa pagkain ng halo halo na nabibili sa mga kalsada at nakalantad sa init ng araw.
Maari kasing ma contaminate ang mga nilutong pagkain dahil sa matinding init kasama na ang inihahalong gatas.
Meanne Corvera