Publiko pinaghahanda ng Pag-Asa sa posibleng epekto ng El Niño

Pinaghahanda ng DOST Pag-asa ang publiko sa posibleng pananalasa ng El Niño sa bansa.

Sa kasalukyan ay may umiiral na mahinang El Niño sa bansa pero hindi pa tukoy ang direktang epekto nito.

Gayunpaman, sa ibang lugar sa Northern Luzon na hindi masyadong maulan ay nakararanas na ng unti-unting pagkatuyo ng mga lupang sakahan partikular sa Isabela kung saan ay napaulat na apektado na ang mga magsasaka.

Sa Metro Manila, kabilang sa kadalasang naaapektuhan ng El Niño o dry season ay ang water supply at sa power consumption.

Bagaman may sapat pa umanong tubig sa mga dam, pinapayuhan ng Hydrometeorology division ng Pagasa ang oubliko na magtipid sa tubig para maiwasan ang kakulangan sa supply nito.

Ang senyales na umiiral na ang El Niño ay ang mainit na temperatura na nasa mataas pa sa average level, umiiral na mahinang hangin mula sa Silangan at kaunting ulap sa kalangitan.

 

Ulat ni Eden Santos

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *