Publiko walang aasahang Covid response sa susunod na taon
Tila wala umanong aasahang Covid response ang publiko sa gobyerno sa susunod na taon.
Ayon kay Senador Nancy Binay, ito’y dulot ito ng ginawang pagtapyas sa panukalang budget ng Department of Health sa susunod na taon partikular na ang pondo sa Covid response.
Tinukoy nito ang pondo para sa libreng mass testing, contact tracing at special risk allowance ng mga healthcare worker.
Inilagay rin sa Unprogrammed Appropriations ang Covid-19 booster shot na nangangagulugan na mapopondohan lamang ito kung may makakalap na sapat na pondo ang pamahalaan.
Ayon sa Senadora, tila hindi nakikita ng gobyerno ang tunay na kalaban samantalang mismong ang mga eksperto ang nagsabing tatagal pa ng mahigit dalawang taon ang nararanasang Pandemya.
Aniya, tila bulag pa rin ng Malacañang sa paglaban sa Covid-19 at hindi nakikita ang tunay na kalaban ng pamahalaan.
Statement Senador Binay:
“Kung matatandaan ninyo, in the past week, parang sinasabi sa mga statement ng Malacañang na naglaan talaga sila ng pondo for Covid, pero nung hinihimay na ngayon, e mukhang merong, kumbaga, hindi totoo na malaki yung na set aside na pondo para sa covid, kasi pati nga yung special risk allowance, e hindi siya kasama doon. Parang hindi pa rin nakikita ng Executive na ang number 1 enemy is Covid. Dapat ang lahat ng ating pwedeng resources e kung sana, doon muna, pinaglaanan”.
Meanne Corvera