Publiko pinakalma ng mga Senador sa hindi paglabas ng Malakanyang ng Pangulo
Walang dapat ipangamba ang publiko sa hindi pagpapakita ng Pangulo sa mga nakalipas na araw.
Noong linggo, naging abala ng Pangulo sa pakikiramay sa pamilya at pagsalubong sa mga bangkay ng mga sundalong napatay sa bakbakan sa Marawi pero hindi na ito nagpakita sa Independence Day anniversary noong Lunes sa Luneta hanggang ngayong araw.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary
Alan Peter Cayetano na humalili sa Pangulo, masama ang pakiramdam nito dahil sa matinding puyat.
Sabi naman ni Senador Vicente Sotto, hindi naman dapat malaarma kung hindi lumalabas ang Pangulo.
Posibleng abala lang sa ibang bagay ang Pangulo at magbibigay naman ng impormasyon ang Palasyo kung may karamdaman ang Pangulo.
Idinepensa rin ni Senador Panfilo Lacson ang Pangulo.
71 anyos na aniya ito pero sumasabak pa rin sa matinding trabaho.
Marami aniyang kinakaharap na problema si Duterte bilang Pangulo kabilang na ang illegal drugs, kriminalidad, insurgency at problema sa terorismo sa Mindanao at nangangailangan rin aniya ito ng day-off o pahinga paminsan-minsan.
Ulat ni: Mean Corvera