Puganteng Koreano na nasa likod din ng Prostitution ring sa bansa arestado ng Bureau of Immigration

Timbog ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang puganteng Koreano na wanted sa Seoul dahil sa pagpapatakbo ng Prostitution ring sa Pilipinas.

Kinilala ang dayuhan na si Hong Yong, 44 anyos na naaresto habang papasakay ng Asiana Airlines sa Clark International Airport sa Pampanga.

Ayon kay OIC Deputy Commissioner at BI Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas, inaresto si Hong matapos lumabas ang pangalan nito sa watchlist ng mga wanted na alien fugitives.

Sinabi ni BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, inisyu ang watchlist order kay Hong noong Enero 18 kasunod ng ulat na ito ay wanted sa Korea dahil sa prostitution business sa Pilipinas para sa mga Koreanong turista.

Batay anya sa imbestigasyon, hinihikayat ni Hong ang mga Koreano na bumisita sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga larawan ng mga prostitute.

Ang biyahe ng mga Koreano ay sinasabing inaasikaso ng isang local travel agency sa Pampanga na hinihinalang pag-aari ni Hong at mga kasamahan nito.

Ginagamit na front daw ni Hong sa prostitution business nito ang isang villa na may private pool sa isang golf course na inaadvertise sa internet para sa mga prospective customers.

Ayon sa BI, iti-text ni Hong ang kanyang mga kliyente para pumili ng mga babae mula sa litrato online at iremit sa kanyang bank account ang 200 thousand Won bilang paunang bayad.

Nakakulong ang banyaga sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hihintay na ito ay madeport.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *