Puganteng Russian na wanted sa kasong fraud, arestado ng Bureau of Immigration

Timbog sa mismong tanggapan ng Bureau of Immigration  (BI) ang isang puganteng Russian na wanted sa kasong fraud.

Ayon sa BI, inaresto ang Russian na si Likharev Anton, 37 anyos, nang tangkain nito na palawigin ang kanyang temporary visitor’s visa sa punong tanggapan ng kawanihan sa Intramuros, Maynila.

Batay sa records ng BI, dumating sa bansa si Likharev noong 2016 bilang turista at hindi na umalis mula noon.

Mayroon nang Summary Deportation Order ang BI laban sa Russian noon pang 2018 kasunod ng ulat na wanted ito sa mga korte sa Russia dahil sa large-scale fraud.

Una na ring naging laman ng balita si Likharev noong 2017 nang ito ay arestuhin dahil sa pagpatay sa green sea turtle sa Dauin, Negros Oriental.

Nakapiit ang dayuhan sa BI Detention Facility habang hinihintay ang implementasyon ng deportation order laban dito.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *