Pulis na nakapirma sa kumalat na unverified document hinggil sa umano’y tangkang pag atake ng Maute sa Metro Manila, inalis muna sa pwesto

Pansamantala munang tinanggal sa puwesto ni Northern Police District Director Chief Supt. Roberto Fajardo si Chief Inspector Jowilouie Bilaro, ang police intelligence officer na nakatalaga sa Valenzuela City PNP na umano’y naglabas ng memo na nagsasabing magsasagawa ng pambobomba ang Maute group sa ilang malls sa Metro Manila.

Ayon kay Fajardo, administrative relief  muna ang ipinataw kay Bilaro habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang kanilang hanay.

Si Bilaro ang nakapirma sa kumakalat na memo sa social media na may petsang June 16 na naka-address sa lahat ng police community precinct commanders.

Pero ayon kay Fajardo, sakaling mapatunayan na walang kasalanan o pagkukulang sa tungkulin si Bilaro ay agad din itong ibabalik sa kanyang pwesto.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *