Pulis na nakatalaga sa Bangsamoro Autonomous Region, ika-58 na pumanaw dahil sa Covid-19 sa hanay ng PNP
Kinumpirma ng Philippine National Police na isang Police Cororal na nakatalaga sa Bangsamoro Autonomous Region sa Maguindanao ang ika-58 pulis na namatay dahil sa Covid-19 virus.
Nagpahayag na ng pakikiramay ang pamunuan ng PNP sa 47-anyos na police officer.
Ayon sa ulat ng PNP Health service, dinala sa pagamutan ang pulis noong May 3 dahil sa lagnat at ubo.
Kaagad itong isinailalim sa RT-PCR test at positibo sa Covid-19 ang resulta ng test.
May 5, nang pumanaw ito dahil sa Acute Respiratory Failure.
Natuklasan din na may Diabetes ang namatay na pulis.
Dahil dito, nanawagan si PNP Chief Debold Sinas sa lahat ng mga pulis na palaging magpa-check ng kanilang kalusugan at doblehin ang proteksyon lalu na sa mga pulis na may Comorbidity.
Kaagad namang magpakonsulta sakaling nakaramdan ng mga isntomas.
Hanggang nito May 6, 2021, nakapagtala ng 87 bagong mga kaso ng Covid-19 ang PNP na umakyat na nasa kabuuang 20,936.