Pulis na nakatalaga sa CDO, ika-68 na pumanaw dahil sa Covid-19
Nakapagtala ang Philippine National Police ng karagdagang 203 Covid-19 cases sa kanilang hanay.
Sa datos ng PNP Health Service, umakyat na sa 24,691 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa Pambansang Pulisya.
Nakapagtala rin ang PNP ng ika-68 na pulis na nasawi sa virus.
Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar na ang nasawi ay isang 55-anyos Police Master Sgt. na nakatalaga sa Cagayan de Oro city.
Batay sa ulat, nakaranas ng lagnat at pag-ubo noong May 24 ang pulis pero hindi ito nagpakonsulta dahil sa takot umano na infected siya ng virus.
Saka lamang aniya nagpasya itong magpakonsulta sa isang private physician nang tumindi na ang ubo at sakit nito at nakaranas na ng hirap sa paghinga.
Niresetahan siya ng antibiotic ng doktor para sa kaniyang pneumonia at pinayuhang magpa-admit na sa ospital pero walang available na pagamutan sanhi ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa General Santos city.
Mas lumala ang kundisyon ng pulis at na-diagnose siya na may Community-Acquired Pneumonia-High Risk, Hypertension, and Diabetes Mellitus Type 2.
An antibiotic medication was given to him for pneumonia and was also advised for admission but due to the surge of Covid-19 cases in Cagayan de Oro they were unable to find a hospital for his admission.
On the same day, he experienced difficulty in breathing and was immediately brought to a hospital where he got swabbed, intubated, and was admitted to the Covid-19 ward.
He was then diagnosed with Community-Acquired Pneumonia-High Risk, Hypertension, and Diabetes Mellitus Type 2.
May 26 nang pumanaw ang pulis dahil sa virus infection.