Pulso ng masa: BBM-Sara tandem, pinaboran
Si Presidential aspirant Bongbong Marcos pa rin ang mas napupusuan ng nakararaming mga Pilipino.
Sa mga tinanong ng Net 25 news team, marami ang nagsabing nais nilang subukan ang mga inilatag na plataporma ni Marcos tulad ng pagkakaisa.
Mahalaga raw ito para umusad ang bansa at makabangon sa epekto ng pandemya.
Naniniwala rin ang ating mga kababayan na kung si BBM ang maluluklok maaring masolusyunan ang mataas na presyo ng bilihin at gasolina.
Sa pinakahuling survey ng OCTA Research, Front runner pa rin si Marcos sa mga kandidato sa pagka Pangulo.
Sa survey na ginawa mula Abril 22 hanggang 25 sa may 2, 400 na mga respondents nakapagtala si marcos ng 58 percent preference votes, mas mataas kumpara sa 57 percent sa nakalipas na Abril 2 hanggang 6 survey ng OCTA.
Pinakamaraming tugon na nakuha si BBM ay mula sa Visayas region na 62 percent, sinundan ng balanced Luzon na 59 percent, Mindanao na 56 percent at National Capital Region na 46 percent.
Samantala, nanguna naman sa Vice presidential race survey ng OCTA si Davao city Mayor Sara Duterte na nakakuha ng 56 percent preference votes sa buong bansa.
Bahagya namang bumaba ang survey ni Duterte mula sa 57 percent sa nakalipas na April 2 hanggang 6 survey.
Meanne Corvera