Pumalo na sa higit 7 bilyong piso ang naitalang pinsala dahil sa epekto ng bagyong Egay at Habagat sa mga imprastraktura sa bansa.

Ayon sa Department of Public Works and Highways, pinakamalaking pinsala ay naitala sa flood-control structures na umabot sa 5.6 bilyong piso, 1.2 bilyong piso sa mga kalsada habang 162.6 milyon naman sa mga tulay.

Sa CAR naitala ang pinakamalaking pinsala, sinundan ng Ilocos region, Cagayan Valley, at Central Luzon.

Ayon sa DPWH, sa 63 naapektuhang kalsada dahil kay Egay at Habagat…16 nalang ang nananatili paring sarado sa mga motorista, habang nabuksan na ang 47.

Sa Cordillera Administrative Region, 9 pa ang nananatiling hindi passable sa mga motorista dahil sa nagcollapse na lupa, nagtumbahang puno, naputol na kalsada at na-washed out na bridge approach.

Kabilang sa mga apektado ay sa Abra, Apayao, Mt. Province, Kalinga at Ifugao.

Sa Region 1 naman ay may 4 na kalsada pa ang sarado dahil sa soil erosion sa bahagi ng pundasyon ng ilang tulay at mga malalaking puno na nanganganib matumba.

Kabilang sa apektado ay sa Ilocos Sur, at Pangasinan.

Sa Region 3 naman ay may 3 kalsada sa Pampanga, ang hindi parin passable dahil sa nagcollapse na lupa, natumbang puno, na-washed-out na bridge approach, soil erosion sa bahagi ng pundasyon ng ilang tulay, at mga pagbaha.

May 11 kalsada naman sa CAR, Regions 1, 3 at 6 ang may limited access sa mga motorista dahil naman sa nagcollapse na lupa, road slip, rockslide, landslide at baha.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *