Pumping station sa Pasay at dike sa Marikina ininspekyon ng MMDA bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan
Ininpeksyon ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang ilang flood control projects bilang paghahanda sa pagpasok ng tag ulan.
Una nitong pinuntahan ang Tripa de Gallina pumping station sa San Carlos Village, Pasay City.
Ayon kay abalos kailangan na ng rehabilitasyon sa apatnaput limang taon nang pumping station para makaiwas sa malawakang pagbaha sa Metro manila.
May ugnayan na rin aniya ang mmda sa local government ng Pasay city para matiyak na regular na matatanggal ang basura sa pumping station at matiyak na gagana ito oras na magkaroon ng malakas na ulan at bagyo sa Metro manila.
Ang naturang pumping station ay may walong pump na kayang sumipsip ng tubig baha na seven cubic meter per second.
Binisita rin ng opisyal ang ginagawang bagong dike sa provident village sa marikina.
Magsisilbi itong proteksyon mga tubig na nagmumula sa bundok ng sierra madre.
Ang marikina ay isa sa mga matinding hinagupit nang manalasa ang bagyong ulysses noong nakaraang taon.
Sa ngayon kasi kasalukuyan pang nire- rehabilitate ang dalawang pumping station sa marikina.
Bukod sa mga pumping stations, nagsimula na rin aniya ang kanilang dredging at iba pang waterways sa metro manila bilang paghahanda sa pagpasok ng mga bagyo.
Pero umapila si abalos sa mga residente na huwag magtapon ng basura sa mga ilog at waterways para hindi ito magresulta ng malawakang pagbaha.
Meanne Corvera