Puppy shaped ice-cream sa Taiwan
Naging attention – getter na ang isang café sa Taiwan, dahil nagsi-serve sila ng puppy-shaped ice-cream na ayon sa mga customers ay “adorable and terrifying at the same time.”
Bagamat kung pagkain ang pag-uusapan lalu na’t ice cream, ang unang pumapasok sa isip ng tao ay ang lasa, subali’t ang pagkain ay isa ring visual experience.
Hindi malinaw kung paano ginagawa sa Sowing the sweets café sa Taiwan ang realistic puppy shaped ice-cream, ang kwestyon lang ay kung paano ito tatanggapin ng mga customer.
Komento ng isang customer sa café, paano mo sisimulan ang pagkain sa ice cream na bagamat alam mong masarap ay mukha namang totoong tuta?
May nagsabi naman na pwede nya itong kainin dahil ito ay ice cream, pero malamang na habang kinakain niya ito ay maiiyak siya.
=============