Pustiso mo, magsasabi ng kalusugan mo
Pustiso lang, malalaman na kung ano ang kalagayan ng iyong kalusugan.
May mensahe ang pustiso sa kalusugan ng tao.
Ano nga ba ang external effects ng pustiso na magsasabi na mali na o hindi na tama ang pustiso mo?
Pag-usapan natin muna ang epekto nito sa mukha.
Kapag mukha kang laging nakasimangot, ibig sabihin, maliit na ang vertical mo.
Palagi nating pinag-uusapan ‘yung vertical height (height ng ngipin).
So ibig sabihin, ang mukha ay ‘lukot’ na parang nakasimangot gayung hindi naman.
Kasi nga mali na ang pustiso.
Dati ang ganda-ganda, mahaba ang mukha.
Pero, bakit hindi na ngayon?
Kasi, kapag maiksi na ang mukha, mali na ang pustiso.
Paano malalaman?
Sa mga ngiti, kapag ngumingiti ang isang luma ang pustiso, hindi nakikita ang ngipin or isang part (lower or upper) lang ang nakikitang ngipin.
Alam po ninyo, habang nagtatagal ang pustiso, nauupod ang buto.
Kapag nakapustiso nauupod ang panga.
After a year, naiiba ang hugis, lumiliit nang lumiliit.
Madali naman itong makita, tanggalin ang pustiso at makikita ang mga ngipin kung saan pudpod, dahil dito, apektado na ang profile ng mukha.
Halimbawa, kung ang denture ay pudpod sa kanan o kaliwa, doon mapapansin mong maliit ang mata, maliit ang tenga, maliit ang butas ng ilong, hindi na rin pantay ang ngiti.
Ibig sabihin ‘yung buto sa side na ‘yun hindi pantay kapag kumain, laging ‘yung side lang na ‘yun ang ginagamit kaya doon naupod ang buto.
Ngayon, ano ang mararamdaman ng may maling pustiso.
Narito ang warning signs na hindi dapat ipagwalang-bahala.
Nakakagat na ang dila, nabibilaukan madalas, at ang paghinga ay hindi na maganda.
Singawin din, na posibleng marumi na ang denture dahil luma na.
Nagkakaproblema na din sa pagnganga.
Hindi mabuka ng maayos ng bibig, maliit na ang pagnganga.
Talagang kapag pudpod na ang pustiso, puwedeng maraming maapektuhan.
Paalala lang po, kapag ang pustiso ninyo ay nangangagat, may mali ng ugat.