Pustiso o Denture, Konektado sa Kalusugan ng Katawan
Ang pustiso ay artificial na ngipin na ipinalit sa nawala o nasirang ngipin upang makaputol at makadurog ng pagkain. Kasangkapan din ito sa maayos na pagsasalita at nagbibigay ng kumpyansa sa pagharap sa tao lalo pa nga’t buo ang ngipin.
May dalawang uri ang pustiso — Partial denture na kung saan ay may naiwan pang mga tunay na ngipin, at ang Full denture o buong taas at baba ay wala ng naiwan na tunay na ngipin. Ang pag-uusapan natin ay buong pustiso taas at baba na mas malala dahil lahat ng tunay na ngipin ay nasira.
Ngayong may pandemya, dapat malaman ng mga nakapustiso ng buo o full denture kung gaano kaimportante na manatili o palaging suot sa bibig ito. Dahil sa mandatory na ang facemask ay kampante na silang hindi ito isuot dahil may takip naman ang bibig at hindi nakikita. Ang mga senior na di lumalabas madalas ng bahay ngayong pandemya ay kadalasan na ang mga pustiso ay nasa baso na may tubig… Wika nga ay para makapagpahinga daw ang gilagid. Ang di nila alam, habang tumatagal sa baso ang pustiso, ang kalusugan ng katawan ay apektado. Mahirap talaga ang magsuot ng buong pustiso dahil matinding pagsasanay, ngalay at sakit lalo na kung bago ito.
Mahirap ang buong pustiso dahil ang isa niyang trabaho buong araw na lingid sa kaalaman ng karamihan ay isang mabigat na trabaho. Ang pustiso ang bumubuhat ng ating ulo na pinakamabigat na parte sa buong katawan ng isang tao. Ang epekto nito pag walang sinusuot na pustiso sa bibig ay ang pagkangalay at sakit ng leeg at sakit sa likod dahil walang tukod.
Ang mga ngipin ay tukod ng ulo at dapat malaman ng mga nakapustiso ng buo. Ngayong panahon ng pandemya napakahalaga na malaman na tuwing naka facemask sila at hindi nila suot ang pustiso, ang kalusugan ng paghinga ay mas lalong apektado dahil ang buong pustiso ay tukod ng bibig kaya pag hindi nila suot, ang kanilang ngala-ngala sa taas, dila sa gitna at panga sa baba ay magkalapit at dikit-dikit kaya ang kalusugan ng pag hinga ay mahigpit. Ang paghinga at pag lunok ay mapipinsala sa katagalan dahil ang pustiso maliban sa gilingan ay tukod ng bibig natin para sa daanan ng tubig, pagkain at hangin.
Sa loob ng bibig nandoon ang foodpipe o tubo daanan ng pagkain at tubig. Windpipe tubo ng daanan ng hangin o paghinga natin… tuwing hindi sinusuot ang pustiso ang lalamunan natin ay lumiliit at humihigpit.
Kaya nga umaasa kaming magiging paalala ito sa lahat ng mga naka pustiso, full denture man o hindi.