Pustisong suot mo, may kinalaman sa oral health mo
Kapag ang isang tao ay denture wearer o nagsusuot ng pustiso, ibig sabihin ay apektado na ang hitsura ng mukha dahil nabunutan ng ngipin. At kapag ganito, nag shrink ang buto at lumiliit ang mukha.
Karamihan sa denture wearers ay hindi maiiwasang mag ‘sag’ ang mukha o lumiliit. Kaya, kumukulubot at may unwanted wrinkles.
Ang akala ng iba, pag maliit ang mukha, cute, mali! Kasi ang mukha natin ay may standard vertical height, kaya habang lumiliit ang mukha, nawawala sa standard.
Kaya kung ang isang tao ay maagang nabunutan ng ngipin, nagpapustiso, maraming magiging medical problems. Pag nakapustiso, lifetime dysfunction na yan.
High maintenance ang pustiso, hindi pwedeng palumaan at patagalan ng pustiso. May consequences kapag matagal na ang pustiso. At ang unang maaapektuhan ay ang kalusugan.
Habang lumiliit ang dentures, ang paghinga ay nagiging masikip. At habang lumiliit at sumisikip maraming ugat ang naiipit.
Nagkakaron din ng epekto sa digestion. Maaaring kanina pa ninyo itinatanong, kelan ba dapat na palitan na ang pustisong suot ninyo? Kapag nakakagat na ang labi, pisngi, dila ay nangunguya dahil mababa na ang pustiso.